• Home
  • Blog
  • Poem Composition into melody need help

Poem Composition into melody need help

0 comments

Poem:

ULAN

Sana’y maaninag ng puso mo,
At hawiin ng pag-ibig ang ulap
Na sa damdamin mo’y bumalot
Sabay nating balikan ang mga sandali
At panuorin sa ilalim ng kalawakan
Ang mga anino nating patuloy sa paglakbay, habang magkahawak ang ating mga kamay,
Kalimutan na sana natin
Mga bagyong di napahupa
At sumabay tayo sa alon
Hanggang sa dumating tayo sa dalampasigan
Gumawa muli tayo ng kastilyo
na kasing taas ng ating mga pangarap,
Kung sakaling tangayin muli ito ng alon
Wag mo sana akong iwan.
Hayaan mong sa tabi mo’y muli ko itong buuin.. Bago sumapit ang paglubog ng araw… At ang mga tala’y magliliwanag
At papawiin ang luha sa ating mga mata..
Hayaan mo sanang bago ka lumisan
At iukit ang katahimikan sa ating mga labi
Maaari ko bang muling ibulong sa puso mo…
Na mahal na mahal na mahal kita….
At maghihintay ako
Hanggang sa ang puso nati’y maging dulo ng bahaghari…
Pagkatapos nitong malakas na ulan…

About the Author

Follow me


{"email":"Email address invalid","url":"Website address invalid","required":"Required field missing"}